Lumabas siya ng bahay. Bitbit niya ang isang supot ng pagkain. Tinawag
ko siya. Tinanong ko siya. "Saan ka pupunta?". Tinalikuran niya lang
ako. Tumakbo na siya.
Patago
ko siyang sinundan. Naramdaman niya siguro. Nailigaw niya ako. Inikot ko buong
baryo. Di ko siya makita. wala siya rito. Wala siya roon. Natatakot ako, baka
di na siya babalik. Makakahanap na siya na para talaga sa kanya. Ako lang ang
pwedeng yumakap sa kanya. Humalik-halik sa kanya. Makipagharutan sa kanya. Akin
siya pero siya'y sayo.
Pumunta
ako sa kabilang baryo. Nagbabakasakaling doon siya napadpad. Nakita ko siya
doon. Klarong-klaro kong siya yun. Kasama niya maputing babae. Kulot na buhok.
Asul ang mga mata. Masaya silang
naglalambingan. Naiiyak ako. Lumapit ako sa kanila. Sinabi kong “Kanino ka
sasama?”. Lumapit naman siya sa akin at naglambing. Hinawakan ko ulo niya. At
hinimas himas ito,BINATA NA ANG ASO KO.