Friday, September 4, 2015

                Lumabas siya ng bahay. Bitbit niya ang isang supot ng pagkain. Tinawag ko siya. Tinanong ko siya. "Saan ka pupunta?". Tinalikuran niya lang ako. Tumakbo na siya.
                Patago ko siyang sinundan. Naramdaman niya siguro. Nailigaw niya ako. Inikot ko buong baryo. Di ko siya makita. wala siya rito. Wala siya roon. Natatakot ako, baka di na siya babalik. Makakahanap na siya na para talaga sa kanya. Ako lang ang pwedeng yumakap sa kanya. Humalik-halik sa kanya. Makipagharutan sa kanya. Akin siya pero siya'y sayo.

                Pumunta ako sa kabilang baryo. Nagbabakasakaling doon siya napadpad. Nakita ko siya doon. Klarong-klaro kong siya yun. Kasama niya maputing babae. Kulot na buhok. Asul ang mga  mata. Masaya silang naglalambingan. Naiiyak ako. Lumapit ako sa kanila. Sinabi kong “Kanino ka sasama?”. Lumapit naman siya sa akin at naglambing. Hinawakan ko ulo niya. At hinimas himas ito,BINATA NA ANG ASO KO. 

No comments:

Post a Comment